Home » Post Item » Sikat ang Pinoy
Sikat ang Pinoy
March 20, 2009Ang Blog na ito ay kaakibat ng Sikat ang Pinoy sa pagpapalaganap ng taglay na kahusayan ng mga Pilipino sa buong mundo. Kaagapay sa mga mithiing nais bigyang pugay ang mga kadakilaan ng mga pinoy sa kabila ng mga di kanais nais na nangyayari sa ating bansa. Likas tayong matibay sa anu mang hamon ng buhay, maging sa unos man o kahirapan ay matatag parin tayong lumalaban. Ipagmalaki nating ang ating lahi… lahi ng mga tanyag… Sikat ang Pinoy!
Narito ang mga samut-saring kwento ng mga kasikatan ng pinoy:
(mula sa http://www.laganap.com)
- Dalawang Pinoy panalo sa debate ng CNN/Youtube - Kamakailan-lamang ay dalawang pinoy na kapwa nagtapos sa Dela Salle University-Manila (DLSU-M) ang nanalo sa debate na pinasinayaan ng CNN at Youtube. Sila sina Paul Darwynn Garilao at Alfonso Orioste Jr. Ang paligsahang ito na ini-sponsor ng CNN at Youtube ay may tema tungkol sa “climate change” at naglalayong bigyang kaalaman ang mundo sa patuloy na pagbabago ng panahon at epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. (basahin ang buong artikulo)
- Bayaning Pilipino hinirang ng Time Magazine - Marami ang humanga at nagpasalamat sa kay Muelmar Magallanes,18 sa kanyang kabayanihan. Lalung lalu na ang mga taong nailigtas niya ng panahon ng unos ng tumama ang bagyong Ondoy sa Pilipinas. Isa siya sa sampung hinirang na bayani ng Time Magazine dahil sa kanyang walang pag-iimbot na pagtulong sa kanyang kapwa kahit na ang naging katumbas ay kanyang sariling buhay. (basahin ang buong artikulo)
- Pinay tumakbo ng 3,000 Milya sa US - sang pinay na dating biktima ng tuberculosis ay tumakbo ng 3,000 milya na natapos nung nakaraang ika-23 ng Nobyembre. Ang kanyang pagtakbo na tinaguriang “Takbong Pangarap” ay naglalayong makakalap ng pondo para sa mga biktima ng tuberculosis at sakit sa puso. Maliban sa ganitong layunin ay naging magandang halimbawa ito sa maraming Pilipino sa buong bansa at nagbigay inspirasyon sa mga nakakarami na nakasaksi ng kaganapang ito. (basahin ang buong artikulo)
Hindi lamang mga kadakilaan ang nabubuhay sa ating mga puso subalit kalakip narin ang ating sariling bansa. Ang ating bansa ang biniyayaan ng mga tanawin na talaga namang dinarayo ng mga turista. Kultura at kaugalian na sadyang ikinalulugod ng mga dayuhan mula sa ibat- ibang parte ng mundo. Ako rin ay estudyante ng Hercor College Capiz, Philippines
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


